Sa paglalakad ko sa kahabaan ng Boni Avenue, napansin kong
ang dami na palang taong lumalabo ang mata. Isa sa tatlong tao na nakita ko ay
nakasuot na ng salamin. Yung iba fashion lang siguro, pero malamang sa
malamang, yung magsusuot talaga ng salamin ay may problema na sa mata. Pumasok
tuloy sa isip ko, ano ba ang dahilan ng pagkalabo ng mata? Narinig mo na ba na
sinabi ng Nanay mo noon na, “Wag kang mag-basa ng dim ang ilaw at lalabo ang
mata mo.”? Ako madalas. Hindi naman ako palabasa pero nagkakataon lang na kapag
nakikita ako ng Nanay ko na nagbabasa o gumagawa ng Home Work, dim ang ilaw. Sa
totoo lang isa iyon sa mga dahilan. Pero marami pang iba. Pag-hihilamos
pagkatapos ng mahabang pagbabasa, matagal na pagtutok sa computer o TV,
pagpupuyat, atbp. Pero anu’t ano man at saa’t saan man natin tignan, makikita
pa rin na ang talagang dahilan sa paglabo ng mata ay ang kapabayaan at
pang-aabuso natin sa mga ito.
Naisip ko lang, napakaganda ng buhay, ngunit parang ang daming taong bulag sa kagandahan ng buhay. Lubha kaya talagang nakaka-apekto ang panlalabo ng mga mata ng mga tao para hindi makita ang kagandahan ng buhay? Kay raming taong puro ang bukam bibig ay reklamo. Puro kulang ang nakikita. Puro yung wala sa kanila ang pinagtutuunan ng pansin. Malabo na ba talaga ang mga mata nila para makita ang maliliit at minsan nga’y malalaking biyaya na ibinibigay ng langit? Kung matututo lang sana tayong magpasalamat at magbilang ng mga biyayang natatanggap natin di sana’y magaan ang buhay. Sapagkat ang buhay na ayaw mo ay buhay na pinapangarap at inaasam ng ibang tao.
Sa mga oras na ito, anu-ano ba ang mga bagay na maari mong ipagpasalamat?