Saturday, February 11, 2017

Ikaw

Walang ako kung walang Ikaw.
Ikaw ang bumubuo ng buo kong araw.
Araw na sa umaga'y pumapanglaw.
Pumapanglaw sa bawat gabi ng aking buhay.













Buhay ko ay ikaw.
Ikaw ang dahilan ng ngiting sumisilay.
Ngiting ang kahulugan ay buhay.
Buhay na gustong Ikaw ang kaagapay.

Ikaw ang kahulugan ng ako.
Ako na Ikaw ang mundo.
Mundong imiikot ay sayo.
Sayo na iaalay ang mundo.

No comments:

Post a Comment