Friday, February 17, 2017

Nasan Ka?

Bakit ang daya mo? Sabi mo noon Di mo ako iiwan. Nasan ka na ngayon at bakit puro sakit ang nararanasan? Di ba sabi mo "andiyan ka Lang"? Bakit ngayon di kita matagpuan. Sabi mo kapag hinanap kita, andon kita matatagpuan. Bakit Wala ka? Nasaan ka ba? Hinanap kita sa ilalim ng ulap. Inungkat ang mga alaala ng dating tagpuan. Ngunit Wala ka. Ang alaalang kupas na parang niluray ng kahapon ay pilit na pinagtatagpi ng ngayon para masilip ng malabong alaala kung nasaan ka ba talaga. Sinisigaw ang pangalan mo. Nagbabakasakaling marinig mo ako. Umaasang lilingapin mo ang ligaw kong puso. Igagawi sa tamang daan papalapit sayo. Sa landas na ang puso ko at puso mo ay muling magtatagpo. Ngunit bingi ka. Hindi mo marinig ang pabulong kong sigaw. Nasaan ka ba talaga? Bigla kang naglaho at sa akin ay nagtago. Babalik ka pa ba? O tuluyan mo na akong lilisanin? Kagaya ka din ba ng ibang lumagda sa pangakong Hindi ako iiwan at ngayon ni anino ay Di masilayan? Babalik ka pa ba? Kung Oo, sana malapit na, dahil Hindi ko na Kaya ang Wala ka.


No comments:

Post a Comment