Ganon na ba kamanhid ang mga Pilipino para di makialam? Ganon
nab a katalamak ang problema ng basa para magsawalang kibo? Maliban sa mga bata
na may edad tatlo pababa, nababatid ng lahat na may problema ang mundo. Maliban
sa mga problemang hindi hawak ng tao ang kasagutan at pinagmulan, lahat halos
ng nakikitang problema, ay tao ng gumawa at siya ring makasasagot. Problema sa
basura, dahilan, tao! Bilib ako sa mga taong puno ang bago bulsa ng basura. Dahil
nangangahulugan ito na sa pagkakataong wala siyang mapaglagyan ng kinain niyang
candy o chewing gum, sa bag niya ito inilalagay o sa bulsa.
Paglobo ng populasyon, bunga ng kamangmangan ng tao kasabay ang pangungunsinti
ng ilang sector, pribado man o publiko. Anong mali sa pagtatalik (sex)? Naniniwala
ako na bukod sa pag-ibig sa isa’t isa ito’y isang biyayang ibinigay sa
mag-asawa upang lalong payabungin ang buhay mag-asawa nila. Hindi ang sex o
pagtatalik ang problema sa paglobo ng populasyon kunid ang pagkakait ng
karunungan o pangungunsinti sa kamangmangan.sinsabi na abortion o pagpatay ang
pag-gamit ng mga contraceptives, ngunit ang totoo’y wala kang pinapatay na
buhay pagkat una’t higit sa lahat ay wala pa namang nagsisimula. Pagkat bago mo
mapatay ang isang bagay o isang buhay, ito’y dapat na nagsisimula na. (Ang
pagtatalik ay para lang sa mag-asawa, inuulit ko sa MAG-ASAWA, hindi para sa
kabit ng asawa o sa magiging mag-asawa pa lamang.)
Nabanggit ang pagpatay. Problema ng lipunan, krimen <pagpatay, pang-gagahasa
o rape, pagnanakaw, pamimirata o piracy, pagtangkilik ng mga pirated na cd’s
and dvd’s maging mga download atbp.> Maraming dahilan kung bakit nangyayari
ang mga krimen na katulad ng mga nabangit. Ngunit malaki ang pursyento na kaya
nagagawa ang mga bagay na iyon ay dahil sa pagnanais na magkapera.
Pera. Dahil nga ba sa pera kaya nagaganap ang simple hanggang sa masalimuot na
krimen? Kung dahil sa pera ay uunahan ko na kayong sunugin ang kalahating
buwang kita ko sa ikababawas lang ng talamak na krimen. Pero hindi e, malinaw
na sinasabi ng bibliya na ang labis na pagmamahal sa salapi o kayamanan ang
siyang nag-uudyok sa tao upang gumawa ng masama. Ang sobarang paghahangad na
umangat sa iba at mabili ang lahat pati na ang hustisya. Ang sobrang
paghahangad ng tao, yaan ang totoong problema.
Droga. Pababa na ng pababa ang edad ng gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Ikagugulat
mong mula sa batang bago pa lang nagkakaisip hanggang sa mga taong tunaw na ang
isip ay nababalita sa diyaryo, TV at radio na gumagamit ng pinagbabawal na
gamot. Ang pinakabago ngang user ay si Charice Pempengco. Madalas nga niyang
binabangit iyon sa kanta na stone. “Stone, sa tagalog ay bato, sa kulungan ay
shabu”. Subukan nating himayin ang ilan sa pinagmulan ng problema. Bakita nagdodroga
ang isang tao? Para matakasan ang problema. Anong problema? Malaking pursyento
sa mga nagdodroga ang galing sa broken family. Nambabae si tatay, nanlalaki si
nanay, iniwan si anak sa lolo at lola, tito at tita. Si anak minaltrato ng mga
kamag-anak, nag-layas, nakatagpo ng pamilya sa kalsada, droga ang past time,
nakipagjamming. Buo ang pamilya, sabay-sabay na nagdodroga. Nasaan ang
problema? Wag mong hanapin sa katabi mo ang problema o sa bulsa ko dahil hindi
mo makikita. Humarap ka sa salamin at malinaw na makikkita mo ang problema.
Ugali ng tao ang problema ng mundo. Hindi ugali ng hayop o gawain ng halaman. Nakapanlulumong
kung gaano katalino ang tao, ganon ito kamangmang na harapin ang problemang sa
kanya nagmula. Hindi kikilos ang basura para iligpit ang sarili nila. Gayundin hindi
titigil ang paglobo ng populasyon kung patuloy kang magiging mangmang o
magpapakunsinti sa kamangmangan. Hindi matatapos ang krimen kung hindi
sisimulan sa bawat isa at hindi masusupil ang droga kung walang nag-nanais ng
pagbabago para sa sarili nila. Nakapanghihinang isipin na ang daming
nagtatangka o nag-uudyok ng pagbabago ngunit dagling nabibigo dahil sa sila
mismo ang kumakalaban sa binuo nilang pagbabago. Nakapanlulumong isipin na ang
daming taong takot na lumakad sa pagbabago at lumabas sa mga bagay at kaugaliang
nakagawian at nakalakhan kahit na ito’y mali at hindi makakabuti. Ang daming
tao na ayaw manindigan sa kung anong tama, <mga walang bayag ika nga nila!>,
ngunit may mas nakakatakot pa dito at ito ay ang pagkalat ng mga taong Zombie.
Walang pakialam sa mundo at sarili lang ang iniisip. Kumakain ako sa oras,
natutulog, may trabaho, okay na ko, bakit kailangan ko pang makialam? Hindi naman
ako apektado. Manhid na sa problema ng lipunan. Nabubuhay na lang sa pagnanais
na kumain, ugali ng isang Zombie. Lubha kong ikinababahala hindi ang pagkalat
at pagdami ng mga pakialamerong mamayan dahil ang totoo’y nauubos na sila,
kundi ang pagdami ng mga Zombie na gumagala sa daan. Natatakot akong maging
kaisa nila, lalo’t ito’y waring Virus o ipidemya na kay bilis kumalat at wala
pang antidote na pangontra sa ganitong sakit. Ngayon kapatid, hinahamon kita,
gusto mo ng pagbabago? Tara na at makialam na tayo!