Wednesday, May 9, 2012

Ako, Daan sa Pagbabago

Ganon na ba kamanhid ang mga Pilipino para di makialam? Ganon nab a katalamak ang problema ng basa para magsawalang kibo? Maliban sa mga bata na may edad tatlo pababa, nababatid ng lahat na may problema ang mundo. Maliban sa mga problemang hindi hawak ng tao ang kasagutan at pinagmulan, lahat halos ng nakikitang problema, ay tao ng gumawa at siya ring makasasagot. Problema sa basura, dahilan, tao! Bilib ako sa mga taong puno ang bago bulsa ng basura. Dahil nangangahulugan ito na sa pagkakataong wala siyang mapaglagyan ng kinain niyang candy o chewing gum, sa bag niya ito inilalagay o sa bulsa.

Paglobo ng populasyon, bunga ng kamangmangan ng tao kasabay ang pangungunsinti ng ilang sector, pribado man o publiko. Anong mali sa pagtatalik (sex)? Naniniwala ako na bukod sa pag-ibig sa isa’t isa ito’y isang biyayang ibinigay sa mag-asawa upang lalong payabungin ang buhay mag-asawa nila. Hindi ang sex o pagtatalik ang problema sa paglobo ng populasyon kunid ang pagkakait ng karunungan o pangungunsinti sa kamangmangan.sinsabi na abortion o pagpatay ang pag-gamit ng mga contraceptives, ngunit ang totoo’y wala kang pinapatay na buhay pagkat una’t higit sa lahat ay wala pa namang nagsisimula. Pagkat bago mo mapatay ang isang bagay o isang buhay, ito’y dapat na nagsisimula na. (Ang pagtatalik ay para lang sa mag-asawa, inuulit ko sa MAG-ASAWA, hindi para sa kabit ng asawa o sa magiging mag-asawa pa lamang.)


Nabanggit ang pagpatay. Problema ng lipunan, krimen <pagpatay, pang-gagahasa o rape, pagnanakaw, pamimirata o piracy, pagtangkilik ng mga pirated na cd’s and dvd’s maging mga download atbp.> Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang mga krimen na katulad ng mga nabangit. Ngunit malaki ang pursyento na kaya nagagawa ang mga bagay na iyon ay dahil sa pagnanais na magkapera.


Pera. Dahil nga ba sa pera kaya nagaganap ang simple hanggang sa masalimuot na krimen? Kung dahil sa pera ay uunahan ko na kayong sunugin ang kalahating buwang kita ko sa ikababawas lang ng talamak na krimen. Pero hindi e, malinaw na sinasabi ng bibliya na ang labis na pagmamahal sa salapi o kayamanan ang siyang nag-uudyok sa tao upang gumawa ng masama. Ang sobarang paghahangad na umangat sa iba at mabili ang lahat pati na ang hustisya. Ang sobrang paghahangad ng tao, yaan ang totoong problema.


Droga. Pababa na ng pababa ang edad ng gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Ikagugulat mong mula sa batang bago pa lang nagkakaisip hanggang sa mga taong tunaw na ang isip ay nababalita sa diyaryo, TV at radio na gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Ang pinakabago ngang user ay si Charice Pempengco. Madalas nga niyang binabangit iyon sa kanta na stone. “Stone, sa tagalog ay bato, sa kulungan ay shabu”. Subukan nating himayin ang ilan sa pinagmulan ng problema. Bakita nagdodroga ang isang tao? Para matakasan ang problema. Anong problema? Malaking pursyento sa mga nagdodroga ang galing sa broken family. Nambabae si tatay, nanlalaki si nanay, iniwan si anak sa lolo at lola, tito at tita. Si anak minaltrato ng mga kamag-anak, nag-layas, nakatagpo ng pamilya sa kalsada, droga ang past time, nakipagjamming. Buo ang pamilya, sabay-sabay na nagdodroga. Nasaan ang problema? Wag mong hanapin sa katabi mo ang problema o sa bulsa ko dahil hindi mo makikita. Humarap ka sa salamin at malinaw na makikkita mo ang problema.


Ugali ng tao ang problema ng mundo. Hindi ugali ng hayop o gawain ng halaman. Nakapanlulumong kung gaano katalino ang tao, ganon ito kamangmang na harapin ang problemang sa kanya nagmula. Hindi kikilos ang basura para iligpit ang sarili nila. Gayundin hindi titigil ang paglobo ng populasyon kung patuloy kang magiging mangmang o magpapakunsinti sa kamangmangan. Hindi matatapos ang krimen kung hindi sisimulan sa bawat isa at hindi masusupil ang droga kung walang nag-nanais ng pagbabago para sa sarili nila. Nakapanghihinang isipin na ang daming nagtatangka o nag-uudyok ng pagbabago ngunit dagling nabibigo dahil sa sila mismo ang kumakalaban sa binuo nilang pagbabago. Nakapanlulumong isipin na ang daming taong takot na lumakad sa pagbabago at lumabas sa mga bagay at kaugaliang nakagawian at nakalakhan kahit na ito’y mali at hindi makakabuti. Ang daming tao na ayaw manindigan sa kung anong tama, <mga walang bayag ika nga nila!>, ngunit may mas nakakatakot pa dito at ito ay ang pagkalat ng mga taong Zombie. Walang pakialam sa mundo at sarili lang ang iniisip. Kumakain ako sa oras, natutulog, may trabaho, okay na ko, bakit kailangan ko pang makialam? Hindi naman ako apektado. Manhid na sa problema ng lipunan. Nabubuhay na lang sa pagnanais na kumain, ugali ng isang Zombie. Lubha kong ikinababahala hindi ang pagkalat at pagdami ng mga pakialamerong mamayan dahil ang totoo’y nauubos na sila, kundi ang pagdami ng mga Zombie na gumagala sa daan. Natatakot akong maging kaisa nila, lalo’t ito’y waring Virus o ipidemya na kay bilis kumalat at wala pang antidote na pangontra sa ganitong sakit. Ngayon kapatid, hinahamon kita, gusto mo ng pagbabago? Tara na at makialam na tayo!

No comments:

Post a Comment