Tawa, saya, ligaya at tuwa. Takbo, lakad, gulong at padyak.
Ikot dito, ikot doon. Walang kasawa sawang kakaisip sa’yo. Pag-nanais na nasa
tabi kita, kasama. Pinapangarap na makita ang iyong matatamis na ngiti,
malambing na tinig at waring mala-ulap na haplos. Kelan kaya ulit kita
makakasama? Kelan kaya ulit masisilayan ang iyong mukha? Kelan kaya? Dadaloy
ang luha sa aking pisngi sa tuwing babalik tanawin ang yaong lumipas. Wagas na
pagsinta’y hinahanap. Kalingang kay tagal na inasam. Damping halik sa aki’y
ninanais na muling maramdaman. Pag-ibig na di naghahanap ng kapalit.
Pagkalingang abot hanggang langit, sukdulang ibigay ang sarili. Ikaw ang
dahilan ng lahat sa buhay ko. Ipagpapalit ko ang ilang taong nalalabi sa isang
minutong masilayan ka muli. Kung iyo’y magkaganon man. Pitak sa puso na tanging
ikaw lang ang makapagpupuno. Pangungulilang di kayang gamutin ng kahit na anong
gamot at kahit na sinong doktor. Panananabik sa tinig mo, na bawat minuto ng
hibla ng aking pagkatao’y inaasam ko. Ang
tanong ko’y kelan? Kelan ka ba babalik? Babalik ka pa ba? Miss na kasi kita.
X_X
No comments:
Post a Comment