Thursday, May 31, 2012

PangungULILA

Tawa, saya, ligaya at tuwa. Takbo, lakad, gulong at padyak. Ikot dito, ikot doon. Walang kasawa sawang kakaisip sa’yo. Pag-nanais na nasa tabi kita, kasama. Pinapangarap na makita ang iyong matatamis na ngiti, malambing na tinig at waring mala-ulap na haplos. Kelan kaya ulit kita makakasama? Kelan kaya ulit masisilayan ang iyong mukha? Kelan kaya? Dadaloy ang luha sa aking pisngi sa tuwing babalik tanawin ang yaong lumipas. Wagas na pagsinta’y hinahanap. Kalingang kay tagal na inasam. Damping halik sa aki’y ninanais na muling maramdaman. Pag-ibig na di naghahanap ng kapalit. Pagkalingang abot hanggang langit, sukdulang ibigay ang sarili. Ikaw ang dahilan ng lahat sa buhay ko. Ipagpapalit ko ang ilang taong nalalabi sa isang minutong masilayan ka muli. Kung iyo’y magkaganon man. Pitak sa puso na tanging ikaw lang ang makapagpupuno. Pangungulilang di kayang gamutin ng kahit na anong gamot at kahit na sinong doktor. Panananabik sa tinig mo, na bawat minuto ng hibla ng aking pagkatao’y inaasam ko.  Ang tanong ko’y kelan? Kelan ka ba babalik? Babalik ka pa ba? Miss na kasi kita. X_X

Tuesday, May 15, 2012

Topak ni Radical Keso


Akala mo kung sino ka! Akala mo sobra mo na kong kilala. Akala mo ang dami mo ng alam. Akala mo. Pero baliktad pala, akala ko wala ka ngang alam, akala ko, di mo ako kilala, akala ko kung sino ka lang, pero akala ko lang pala. Ang totoo, ikaw na pala si Superman, si Batman, si Iron Man. Akala ko, wala ka lang, ang laki na pala ng bahaging sakop mo sa buhay ko, sa isip ko, lalo na sa puso ko. Akala ko, panaginip lang ang lahat, totoo na pala at hindi ako makapaniwalang abot kamay na kita. Nakakasama, nahahawakan ang kamay, nayayakap.

May tatamis pa ba sa unang beses mong sinabi ang salitang Mahal kita? May mas sasaya pa bang alaala sa araw na kayo’y magkasama kahit ang ginagawa niyo lang ay magtanungan at maglaro ng bobo game? Pero ika nga nila, walang bagay na permanente, lahat kukupas at maluluma. May magsasawa, may mawawalan ng gana. Pero sana, sana lang naman, hindi ka dun kasama. Na sana, sana lang naman, kayanin mong ngumiti habang may dumadagsang problema. Sana, sana lang naman, humakbang kang kasabay ng aking mga paa at sumamang lumayag sa agos ng bukas at daloy ng ngayon. Hindi ko alam ang paparating, at sino ma’y walang makapagsasabi, ngunit sana, sana lang naman, wag kang bibitiw, wag kang lalayo at wag mo akong iiwan. Dahil ikaw, oo ikaw nga ay Mahal na mahal ko! 

Thursday, May 10, 2012

Mundo sa Ilalim ng Maskara

Hindi lahat ng tao ay nararapat na pag-ukulan ng lubhang atensiyon, ng oras at masigasig na pagsisiyasat ng tunay na pagkatao, hilig at sa kanya’y bumubuo. Hindi ako tulad ng iba na nagsasayang ng panahon sa isang taong hindi tatanggapin ang buong ako at hindi tatangkilikin ang mga malalaki ni maliliit na bahagi ng aking pagkatao. Hindi ko ugaling ipakita ang aking totoong nararamdaman, kahit na nga madalas ako’y nasasaktan. Sige ok lang. Mas mahalaga pa rin sa akin na ikaw ay masaya, nakangiti at tumatawa. Magsusuot na lang ako ng maskara, maskara na walang nakakakilala kung hindi ako lang. May mga bagay lang akong ikinakatakot, na ang mga maskara kong suot ay unti unting mawala at malantad ang totoong ako. Ako na mahina, vulnerable ika nga. Sakaling iyon ay muling maganap, tatawa na naman ako ng tatawa, magbubuo ng mundong ako at si ako lang ang kasama. Ngunit sa isip ko’y ito ang aking tanong, papapasukin ba kita sa mundo kong makikita mo ang lahat ng di maganda o hahayaan na lang kitang maniwa sa pagkatao kong aking nilikha, sa pagkataong mas katanggap tanggap at mas nakakatuwa?

Panaginip Lamang by Piolo Pascual

Ikaw ay dumating bigla sa 'king mundo
Hindi inaakalang ngitian mo ako
Para akong natunaw sa lambing nito
'Di ka na maalis sa isip ko
Paano na ngayon ako'y litong-lito
Bakit kaya ako nahulog na sa 'yo
Pero mayron ka nang ibang minamahal
Hindi naman mahati ang puso

Kaya pag-ibig pinipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa 'yo
'Di bat nararapat sayo pag-ibig na buong-buo
'Di ko makakayang may saktan na iba
Kaya ikaw ay mananatili na lang
Sa damdamin at aking isipan
Iguguhit kita sa alaala
Pagkat tayo ay hanggang panaginip lamang

Paano na ngayon ako'y litong-lito
Bakit kaya ako nahulog na sa 'yo
Pero mayro'n ka nang ibang minamahal
Hindi naman mahati ang puso

Kaya pag-ibig piipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa 'yo
'Di bat nararapat sayo pag-ibig na buong-buo
'Di ko makakayang may saktan na iba
Kaya't ikaw ay mananatili na lang
Sa damdamin at aking isipan
Iguguhit kita sa alaala
'Pagkat tayo ay hanggang panaginip lamang!

RANDOM THOUGHTS!

Talon, lakad, takbo
Gugulong gulog ka sa isip ko
Ano nga kaya ito?
Mukhang ako ri’y nalilito

Ngunit akin na lang hahayaan
At di na mangagahas pag-isipan
Pagkat puso ko’y lalong naguguluhan
Dahil kakontra niya ang aking isipan.

Kesa aking ulit uliting isipin
Bawat minuto’y akin na lang nanamnamin
Itatanim sa isipan at aking babaunin
Mga mabubuong masayang alaala natin.

Di ako magtatanong ng kahit na ano
Ni hindi aasa sa isusukli mo
Pagkat makita kang masaya’y ligaya ng puso ko
Isang ngiti mo lang, solve na ako. ^^

Tatalon, lalakad, tatakbo at hahakbang
Di man alam ang talagang pupuntahan
Manalig kang di kita iiwan
Dito lang ako, di kita bibitiwan

Ikaw saki’y lubhang mahalaga
Tumbas mo’y diyamanteng milyon ang halaga
Ngunit diyamante man ang iyong kapara
Sa puso ko’y mas matimbang ka.

Ngiti, tawa, halakhak na masaya
Waring sa pandinig ko ay musika
Nagpapaligaya ng aking kaluluwa
Ano  nga bang hihilingin ko pa?

Tunay ngang sakin ay isa kang biyaya
Nakapagpapasigla ng aking diwa.
Pakiusap ko’y sa aki’y di ka magsawa
Lalo na’t makulit akong sadya.

Wednesday, May 9, 2012

Ako, Daan sa Pagbabago

Ganon na ba kamanhid ang mga Pilipino para di makialam? Ganon nab a katalamak ang problema ng basa para magsawalang kibo? Maliban sa mga bata na may edad tatlo pababa, nababatid ng lahat na may problema ang mundo. Maliban sa mga problemang hindi hawak ng tao ang kasagutan at pinagmulan, lahat halos ng nakikitang problema, ay tao ng gumawa at siya ring makasasagot. Problema sa basura, dahilan, tao! Bilib ako sa mga taong puno ang bago bulsa ng basura. Dahil nangangahulugan ito na sa pagkakataong wala siyang mapaglagyan ng kinain niyang candy o chewing gum, sa bag niya ito inilalagay o sa bulsa.

Paglobo ng populasyon, bunga ng kamangmangan ng tao kasabay ang pangungunsinti ng ilang sector, pribado man o publiko. Anong mali sa pagtatalik (sex)? Naniniwala ako na bukod sa pag-ibig sa isa’t isa ito’y isang biyayang ibinigay sa mag-asawa upang lalong payabungin ang buhay mag-asawa nila. Hindi ang sex o pagtatalik ang problema sa paglobo ng populasyon kunid ang pagkakait ng karunungan o pangungunsinti sa kamangmangan.sinsabi na abortion o pagpatay ang pag-gamit ng mga contraceptives, ngunit ang totoo’y wala kang pinapatay na buhay pagkat una’t higit sa lahat ay wala pa namang nagsisimula. Pagkat bago mo mapatay ang isang bagay o isang buhay, ito’y dapat na nagsisimula na. (Ang pagtatalik ay para lang sa mag-asawa, inuulit ko sa MAG-ASAWA, hindi para sa kabit ng asawa o sa magiging mag-asawa pa lamang.)


Nabanggit ang pagpatay. Problema ng lipunan, krimen <pagpatay, pang-gagahasa o rape, pagnanakaw, pamimirata o piracy, pagtangkilik ng mga pirated na cd’s and dvd’s maging mga download atbp.> Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang mga krimen na katulad ng mga nabangit. Ngunit malaki ang pursyento na kaya nagagawa ang mga bagay na iyon ay dahil sa pagnanais na magkapera.


Pera. Dahil nga ba sa pera kaya nagaganap ang simple hanggang sa masalimuot na krimen? Kung dahil sa pera ay uunahan ko na kayong sunugin ang kalahating buwang kita ko sa ikababawas lang ng talamak na krimen. Pero hindi e, malinaw na sinasabi ng bibliya na ang labis na pagmamahal sa salapi o kayamanan ang siyang nag-uudyok sa tao upang gumawa ng masama. Ang sobarang paghahangad na umangat sa iba at mabili ang lahat pati na ang hustisya. Ang sobrang paghahangad ng tao, yaan ang totoong problema.


Droga. Pababa na ng pababa ang edad ng gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Ikagugulat mong mula sa batang bago pa lang nagkakaisip hanggang sa mga taong tunaw na ang isip ay nababalita sa diyaryo, TV at radio na gumagamit ng pinagbabawal na gamot. Ang pinakabago ngang user ay si Charice Pempengco. Madalas nga niyang binabangit iyon sa kanta na stone. “Stone, sa tagalog ay bato, sa kulungan ay shabu”. Subukan nating himayin ang ilan sa pinagmulan ng problema. Bakita nagdodroga ang isang tao? Para matakasan ang problema. Anong problema? Malaking pursyento sa mga nagdodroga ang galing sa broken family. Nambabae si tatay, nanlalaki si nanay, iniwan si anak sa lolo at lola, tito at tita. Si anak minaltrato ng mga kamag-anak, nag-layas, nakatagpo ng pamilya sa kalsada, droga ang past time, nakipagjamming. Buo ang pamilya, sabay-sabay na nagdodroga. Nasaan ang problema? Wag mong hanapin sa katabi mo ang problema o sa bulsa ko dahil hindi mo makikita. Humarap ka sa salamin at malinaw na makikkita mo ang problema.


Ugali ng tao ang problema ng mundo. Hindi ugali ng hayop o gawain ng halaman. Nakapanlulumong kung gaano katalino ang tao, ganon ito kamangmang na harapin ang problemang sa kanya nagmula. Hindi kikilos ang basura para iligpit ang sarili nila. Gayundin hindi titigil ang paglobo ng populasyon kung patuloy kang magiging mangmang o magpapakunsinti sa kamangmangan. Hindi matatapos ang krimen kung hindi sisimulan sa bawat isa at hindi masusupil ang droga kung walang nag-nanais ng pagbabago para sa sarili nila. Nakapanghihinang isipin na ang daming nagtatangka o nag-uudyok ng pagbabago ngunit dagling nabibigo dahil sa sila mismo ang kumakalaban sa binuo nilang pagbabago. Nakapanlulumong isipin na ang daming taong takot na lumakad sa pagbabago at lumabas sa mga bagay at kaugaliang nakagawian at nakalakhan kahit na ito’y mali at hindi makakabuti. Ang daming tao na ayaw manindigan sa kung anong tama, <mga walang bayag ika nga nila!>, ngunit may mas nakakatakot pa dito at ito ay ang pagkalat ng mga taong Zombie. Walang pakialam sa mundo at sarili lang ang iniisip. Kumakain ako sa oras, natutulog, may trabaho, okay na ko, bakit kailangan ko pang makialam? Hindi naman ako apektado. Manhid na sa problema ng lipunan. Nabubuhay na lang sa pagnanais na kumain, ugali ng isang Zombie. Lubha kong ikinababahala hindi ang pagkalat at pagdami ng mga pakialamerong mamayan dahil ang totoo’y nauubos na sila, kundi ang pagdami ng mga Zombie na gumagala sa daan. Natatakot akong maging kaisa nila, lalo’t ito’y waring Virus o ipidemya na kay bilis kumalat at wala pang antidote na pangontra sa ganitong sakit. Ngayon kapatid, hinahamon kita, gusto mo ng pagbabago? Tara na at makialam na tayo!

Reyalidad ng Buhay.

1. Sige-sige ka sa pag-aaral, magaling sa eskwela pero matapos ang labing apat na taon mong ginugol sa pag-aaral at halos ilang milyong naging puhunan, sa minimum pay o mas mababa pa ka lang babagsak.

2. Todo paghahanda ka sa interview mo, yung iba hindi kailangan interview para makapasok. Sapat na ang backer nila.


3. Babaeng ilang taon mong niligawan, nabuntis lang ng iba. Ang masaklap dun, pinapaako sa’yo yung baby na dinadala niya. At dahil martir ka, tatanggapin mo naman.


4. Daig ng malandi ang maganda.


5. Yung lalaking pinapangarap mo, lalaki na rin ang pinapangarap.


6. Yung babaeng pinapangarap mo, babae na rin ang pinapangarap.


7. Kung talagang ang tao ay nagmula sa unggoy, bakit may mukhang kabayo?


8. Walang nararating ang taong mahiyain.


9. Hindi ang pagiging pakialamero ang maituturing na mortal sin kundi ang kawalan ng kapakailaman.


10. Ang mga gatusin ay nakasalalay sa laki o liit ng kinikita.


11. Ang bata puno ng pangarap, kapag lumaki na, nagkaasawa, nagkaanak, nauubusan na ng pangarap.


12. Ang mga taong hindi abala ay nagiging tsismosa. Sapagkat kung ikaw ay abala, hindi mo magagawang pagtsismisan ang buhay ng iba.


13. Kung sino pa ang walang ginagawa, siya pang mahilig ngumawa.