Tuesday, May 15, 2012

Topak ni Radical Keso


Akala mo kung sino ka! Akala mo sobra mo na kong kilala. Akala mo ang dami mo ng alam. Akala mo. Pero baliktad pala, akala ko wala ka ngang alam, akala ko, di mo ako kilala, akala ko kung sino ka lang, pero akala ko lang pala. Ang totoo, ikaw na pala si Superman, si Batman, si Iron Man. Akala ko, wala ka lang, ang laki na pala ng bahaging sakop mo sa buhay ko, sa isip ko, lalo na sa puso ko. Akala ko, panaginip lang ang lahat, totoo na pala at hindi ako makapaniwalang abot kamay na kita. Nakakasama, nahahawakan ang kamay, nayayakap.

May tatamis pa ba sa unang beses mong sinabi ang salitang Mahal kita? May mas sasaya pa bang alaala sa araw na kayo’y magkasama kahit ang ginagawa niyo lang ay magtanungan at maglaro ng bobo game? Pero ika nga nila, walang bagay na permanente, lahat kukupas at maluluma. May magsasawa, may mawawalan ng gana. Pero sana, sana lang naman, hindi ka dun kasama. Na sana, sana lang naman, kayanin mong ngumiti habang may dumadagsang problema. Sana, sana lang naman, humakbang kang kasabay ng aking mga paa at sumamang lumayag sa agos ng bukas at daloy ng ngayon. Hindi ko alam ang paparating, at sino ma’y walang makapagsasabi, ngunit sana, sana lang naman, wag kang bibitiw, wag kang lalayo at wag mo akong iiwan. Dahil ikaw, oo ikaw nga ay Mahal na mahal ko! 

No comments:

Post a Comment