Hindi lahat ng tao ay nararapat na pag-ukulan ng lubhang
atensiyon, ng oras at masigasig na pagsisiyasat ng tunay na pagkatao, hilig at
sa kanya’y bumubuo. Hindi ako tulad ng iba na nagsasayang ng panahon sa isang
taong hindi tatanggapin ang buong ako at hindi tatangkilikin ang mga malalaki
ni maliliit na bahagi ng aking pagkatao. Hindi ko ugaling ipakita ang aking
totoong nararamdaman, kahit na nga madalas ako’y nasasaktan. Sige ok lang. Mas
mahalaga pa rin sa akin na ikaw ay masaya, nakangiti at tumatawa. Magsusuot na
lang ako ng maskara, maskara na walang nakakakilala kung hindi ako lang. May
mga bagay lang akong ikinakatakot, na ang mga maskara kong suot ay unti unting
mawala at malantad ang totoong ako. Ako na mahina, vulnerable ika nga. Sakaling
iyon ay muling maganap, tatawa na naman ako ng tatawa, magbubuo ng mundong ako
at si ako lang ang kasama. Ngunit sa isip ko’y ito ang aking tanong,
papapasukin ba kita sa mundo kong makikita mo ang lahat ng di maganda o
hahayaan na lang kitang maniwa sa pagkatao kong aking nilikha, sa pagkataong
mas katanggap tanggap at mas nakakatuwa?
No comments:
Post a Comment